Maroon Pants

I.

Officemate: Jason, paano ko ba mapapalitan tong computer ko, sobrang bagal, laging naghahang, nag-eerror.

Jason: sirain nyo na po para mapalitan.

Officemate: Haha, ayoko naman gawin yun.

Jason: Gawa na lang po kayo ng request.

Officemate: Sinabi mo na sakin yan dati. Pag napalitan yung cpu ko, di mabubura mga files?

Jason: Gawa po kayo ng request na naka-address sa boss namin, tapos pag na-approve na po, papalitan na CPU nyo. Yung mga files nyo mababack-up naman po, tsaka maililipat sa bagong CPU. Bagong Unit po ibibigay sa inyo kaya oorder ng bago sa supplier, para di kayo gumamit ng recycled na CPU galing sa ibang department.

(Si officemate tulala lang)

Officemate: Di ba masakit yang braces mo?

Jason: Huh?

 

II.

Jason: Ate Myra!!! Bakit ngayon ka lang pumasok, namiss kita. (Si ate myra ay tomboy)

Ate Myra: Oh talaga? Kung namiss mo ko, kiss mo nga ko…

(Kiniss ko sya sa cheeks)

Ate Myra: Bakla ka. Hahahahahaha

(Pagbalik ko sa department nila….)

Ate Myra: Hoy bakit ako lang daw may kiss? Paano si Bien? (Si bien ay beki)

Bien: Ako, Jason kelan mo ko ikikiss? Pag umabsent ako ng matagal?

Jason: Huh?

 

III.

Ang usapang Pineapple. HAHAHAHAHAHAHA

Kala mo ah, pero di ko yun iboblog pramis.

 

Advertisements

Sizzling Sisig with Egg

spongebob

Nasaan si Spongebob?

Nung isang araw, pagkatapos kong tumakbo, naupo ako sa katabing bench ng tindera ng mga gatorade.

Tapos, may nakita akong dalawang kuting. Sabi ko, meow, meow, meow sitsitistististit (parang sumusutsot na malambing) Nagulat na lang ako ng lumapit yung puting pusa tapos umakyat sa bench.

Tumabi sakin. Pagkatapos ng 1, 2, 3 seconds, sumampa sa kandungan ko at bigla na lang syang humiga (nakadapa pag pusa) at nagpahinga.

It’s a sign. LOL pauso lang. Basta.

Bakit it’s a sign? Kanina naman dito sa pintuan ng department, nandito sila OJT.

Hihi. Hihi. Hihi. lande ampotek.

OJT: Hi sir… sabay abot saken ng…

Ang sweet talaga… “Braces make smiley faces”

 

Sabi ko thank you, nakakahiya naman wala pa kong ibibigay sayo…(Last day na kasi nya dito sa office as OJT). Okey lang daw…

Pero syempre hindi ok! hindi ok!

Kaya syempre may binigay ako sa kanya… yung… kaya nga nawawala si Spongebob sa picture sa itaas.

Hihi. Landeeeeeeeeeeeee