Kay Tagal Kang Hinintay

Happy fathers day

Di ko na hahabaan yung father’s day post kasi baka magselos si mommy, di ko sya nagawan ng post. Anyway…

Kahapon pala yung fun run sa may Ortigas. Petron Run for Safety. 10k ang layo ng tatakbuhin. Takte dalawang fly over ang tinakbuhan back and forth. Kaya hanggang ngayon pilay ako.

Wala pang mga pictures, di pa nabibigay saken, hahanap na lang ako kung sino magpopost sa FB. May mga photographers kasi dun na nagkukuha ng random pics ng mga runners sana meron ako.

Eto na lang muna yung laman ng lootbag…

lootbag

Karamihan sa laman eh mga brochure ng mga loan, promo, ewan ewan galing sa bank of commerce. Mas gusto ko pa din lootbag nung sa Natgeo. Haha!

Next run… Addidas King of the Road! Oh yeah!

 

Eto pala ang picture ko sa FUNRUN. OHA di ko kilala sino photographer neto, nagrab lang ng officemate ko sa fb.

petron

Briefing sa Conference Room

Jason, sandali lang to…

Sabi sakin ng boss sa branding department ng office. Tumayo naman ako habang nanonood ng Gintama anime sa pc ko. Papasok ko sa department nila..

Jason kinuha ka pala naming model para sa job fair ng Manila Bulletin. Yung sa mga poster.

Teka… Totoo ba tong narinig ko. Baka naman para sa Animal Scene o Agriculture magazine. LOLS.

 

Pero pinakita saken may naka powerpoint presentation na, meron ng mga written data etc…

Kinunan ako ng picture. Whole body pati face.

Di ako kumportable syempre. Parang, ano ba to. haha!

OK. Totoo nga. Nahihiya talaga ko sa totoo lang kasi dami dami naman pwede sa office baket ako.

Call Center agent daw yung role ko sa mga poster.

Fastforward ng onte…

Mommy, mommy, kukunin daw ako model para sa job fair poster.

Eh baket ngayon ka lang kinuha diba 4 years ka na dyan.

(Very supportive si mommy)

 

Yung photo shoot daw ay sa Thursday morning, at ang Video shoot (oo meron video shoot yung parang sa movie trailers lang) sa afternoon.

GOODLUCK TO ME!

Sabi ko na eh Akin ang Month Of June.

 

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

It was late 12:00 A.M. Takte maka english lang…

Nagset ako ng alarm sa celpon ko ng 4:30 A.M. Sabi ko pa, mommy, tatakbo ako bukas ah, magjojogging.

Sabi naman nya: Ang lakas ng ulan tatakbo ka? Madadapa ka.

Ako: Huh?

Inabot ko kay mommy ang celpon ko at naglaro sya ng candy crush kasi naka charge yung sa kanya.

Okay fast forward ng konte…

It was late 7:00 A.M. Shet talaga. Anong oras na. Tatakbo nga pala ko. Baket di nag-alarm?

 

1. Dinelete ni  mommy ang alarm

2. Nireject ni mommy ang tumatawag sa celpon ko na mga kasama ko magjojogging

3. Naingayan si mommy sa celpon kaya pinindot para tumigil.

 

Syempre ayaw kong pagbintangan si mommy. Hahahahahahaha

Malas nga ngayong araw, nakarating ako sa office ng walang wallet.

Ang tanging dala ko lang sa bag ko ay…

 

20130609_091552[1]

Fresh From Thailand

image

Sabay-sabay na naman mga nagpapalagay ng games/music/movies…

Eto na naman. Imbes na nagmamarathon ako ng Gintama (anime) eto nakabalandra sa desk ko. Tatlong android phones mula sa iba’t ibang empleyado.

1 out of 3 nagpakain ng bucket meal sa kfc. Alam na.

Anyway…

Pare-pareho halos yung gusto nilang ipalagay na games. Candy Crush, Icon Mania, 4pics 1 word, at ang application na WECHAT.

Onga pala, isa sa tatlong celphone sa itaas ay napag-alaman ko na CLASS A. Nahihiya naman akong i confirm sa may-ari. Alin kaya dyan??

Lasang Alak Ang Cobra Green

Nagulat ako. Si Miss OJT ay nasa office kanina mga before lunch, teka sesegway ko lang yung lunch ko…

Absent at may event kasi ang mga usual lunchmates ko kaya medyo naswertehan na imbitahan akong maglunch sa Cash department. Magpapakain daw yung boss. Tatanggi pa ba ko?

Sumakay ako sa kotse nya. Isinara ang pinto. Bale di pala ako mag-isa, may kasama pa kaming dalawa na taga Cash department din. Nagdrive sa kahabaan ng Round Table (matraffic) at nakarating sa KFC. Nagtake out, kinain sa office, nabusog. Bow.

So ayun na nga bandang hapon, mga mag six oclock, dumungaw sa pintuan ng department namin si Miss OJT at dinig na dinig ko ang kanyang boses na nagsasabing…

Bye sirrrr… with matching wave.

Lakas maka Sir Chief. Oo feel na feel ko pag tinatawag nya kong Sir.

After 15 seconds, lumabas ako para makapagpaalam din… Bago ko magpaalam, may inabot sya sa akin. Syempre ininstagram ko bago kainin…

kitkatIhhhhhhhh. Sweet.

Syempre nahiya ako, shet binigyan ako ng chocolate. Gusto kong madissolve ng di ko maintindihan. Wala na kong nagawa kundi i spread-out ang dalawa kong kamay at nagsabing… Pa-hug…

INSERT KILIG MOMENTS HERE.

Dederetso pa sya ng school kasama ng iba pang mga OJT.

Tutal naman 9:00 P.M. ang uwian nya sa school, at 9:00 P.M. din ang out ko dito sa office, napagkasunduan namin na magkita after para sabay kami umuwi. Malapit lang naman sya sa amin nakatira, pero di pa ko nakakarating sa kanila.

Pano ba to, ihatid ko kaya sya sa bahay nila? Malamang ganun na nga. Nahihiya ako baka makita ko ng mga magulang nya at mga kapatid baka sabihin…

Sino yang kasama mo?

Ako: Ah eh.. ih.

Teka, may pasalubong pala ko  mamaya. Sana magustuhan nya. Galing pa kongSM nyan ah… Hihi.


Compact Mini Chocolate Cakes. Tatlo yan, minus one, kinain ko na nagutom ako eh.. Sarreeee.. ❤

Sick Leave

Mula ng pagpasok ko dito sa office, meron silang tinatawag na grace period. Eto yung pwede kang lumampas sa normal time mo sa bondi clock ng 15 minutes.

So pag 9:00 A.M. ang pasok mo, pwede kang magbondi clock hanggang 9:15 A.M. para masabing pasok ka pa din sa banga.

Hmmmm… Bakit kaya 15minutes?

Eto pala… Nung 6:00 P.M. (uwian ko) nagbondi clock ako tapos umuwi na. Pagtingin ko sa orasan ng Manila City Hall… Wala pang 6:00 P.M. Ibig sabihin…

Advanced ang orasan sa office ko, at saktong 9:00 A.M. talaga ang pasok ko sa totoong buhay.

Magmula noon, lagi ng advanced ang relo ko.

Kaya lang, nagulat ako kanina pagpasok ko kasi sa relo ko late na ko.

Napa shetttttttttt ako kasi normal time na rin ang ginagamit sa office. Magpapapizza ko dahil dito. After 4 years! Naging normal din ang orasan ng bondi clock!

Hindi na ko laging magmamadali sa pagpasok. Yehey!

Warm Bodies

June 2, 2o13…  Run United 2, Runrio Trilogy. So may 3 pa? Kelan?

Gumising ako ng 3:30 A.M. at naligo. Nagbihis. Umalis ng bahay ng 4:00 A.M. Sumakay ng tricycle, jeep, at bus. HIKAB.

5:30 A.M. ang simula ng takbo para sa mga nagparegister ng 10kilometers. Kasama ko dun syempre.

 

Tamang-tama hindi ako nag breakfast. Sa MOA nga pala yung venue nakalimutan kong sabihin. Tapos ayun nga, sa bawat water station, namimigay sila ng libreng gatorade. Susyal. At… Saging na lakatan. Naka lima ako. Breakfast ba kamo?

Parang mga gago nga lang yung mga tao dun kasi may nakikita kong mga balat ng saging sa gitna mismo ng kalsada kung saan kami tumatakbo. Pano kung may nadulas? O baka sa cartoons lang effective na pampadulas sa mga tumatakbo. Ewan.

Basta ang kalat-kalat-kalat.

Natapos ko naman yung 10k kasama ang dalawang officemates ko. Mga 1 oras at kalahati. Basta ganun yung time.

Eto mga pictures…

7179_10201226271929220_614795035_nManong na nasa kaliwa… ung sino ka man, ang epal mo! Nagpipicture ako sa finish line di ka man lang tumabi sa gilid!

 

983969_10201226279049398_1079028571_nUso daw ang look-up shot ni Ryzza Mae Dizon kaya pinagbigyan ko na tong dalawang to. Haha!

 

936381_10201226275009297_1208815281_nPwede naman sanang bumilang muna ng 1,2,3 bago ako kunan ng picture diba. Para tuloy batang naiwan o di maintindihan. Haha!

970783_10201226273209252_1012942400_nSabi nila mag ssquat muna sila para mawala sakit ng paa nila. Sabi ko naman sige pipicturean ko kayo para makarami.

270052_10201226281089449_271658957_nAng Loot Bag. Ano ang laman? Tara silipin natin…

429844_10201226281569461_950268674_nDi ko na ililista kung anu-ano yan. Pagod na ko e.

Bye.