Maroon Pants

I.

Officemate: Jason, paano ko ba mapapalitan tong computer ko, sobrang bagal, laging naghahang, nag-eerror.

Jason: sirain nyo na po para mapalitan.

Officemate: Haha, ayoko naman gawin yun.

Jason: Gawa na lang po kayo ng request.

Officemate: Sinabi mo na sakin yan dati. Pag napalitan yung cpu ko, di mabubura mga files?

Jason: Gawa po kayo ng request na naka-address sa boss namin, tapos pag na-approve na po, papalitan na CPU nyo. Yung mga files nyo mababack-up naman po, tsaka maililipat sa bagong CPU. Bagong Unit po ibibigay sa inyo kaya oorder ng bago sa supplier, para di kayo gumamit ng recycled na CPU galing sa ibang department.

(Si officemate tulala lang)

Officemate: Di ba masakit yang braces mo?

Jason: Huh?

 

II.

Jason: Ate Myra!!! Bakit ngayon ka lang pumasok, namiss kita. (Si ate myra ay tomboy)

Ate Myra: Oh talaga? Kung namiss mo ko, kiss mo nga ko…

(Kiniss ko sya sa cheeks)

Ate Myra: Bakla ka. Hahahahahaha

(Pagbalik ko sa department nila….)

Ate Myra: Hoy bakit ako lang daw may kiss? Paano si Bien? (Si bien ay beki)

Bien: Ako, Jason kelan mo ko ikikiss? Pag umabsent ako ng matagal?

Jason: Huh?

 

III.

Ang usapang Pineapple. HAHAHAHAHAHAHA

Kala mo ah, pero di ko yun iboblog pramis.

 

Late Ako ng 1 Minute

 

 

 

 

ariel

 

 

Madalas may magpagawa sakin ng mga personal na laptop, tablet, cellphone, etc sakin dito sa office. Di ako naniningil kasi, di ko naman ugali yun, pero kung sinusuwerte, may mga nagbibigay naman kahit papaano. Merong mcdo, monay, cheesecake, prutas, keychain, at cash. Tinanggihan ko nga yung cash pero sabi nung nagpaayos, sasapakin nya daw ako pag di ko tinanggap.

Pinakagusto ko sa mga natanggap ko eh yung bag na Bench. Inayos ko kasi yung laptop na Samsung nung taga Second Floor. Nagulat na lang ako may iniabot sakin yung guard na paper bag.

Eto, yung latest kong kliyente, Tignan ang litrato sa itaas…

Sabi ko na nga, pwede na ko magtayo ng stall sa greenhills o sa may cyberzone.

 

 

 

Briefing sa Conference Room

Jason, sandali lang to…

Sabi sakin ng boss sa branding department ng office. Tumayo naman ako habang nanonood ng Gintama anime sa pc ko. Papasok ko sa department nila..

Jason kinuha ka pala naming model para sa job fair ng Manila Bulletin. Yung sa mga poster.

Teka… Totoo ba tong narinig ko. Baka naman para sa Animal Scene o Agriculture magazine. LOLS.

 

Pero pinakita saken may naka powerpoint presentation na, meron ng mga written data etc…

Kinunan ako ng picture. Whole body pati face.

Di ako kumportable syempre. Parang, ano ba to. haha!

OK. Totoo nga. Nahihiya talaga ko sa totoo lang kasi dami dami naman pwede sa office baket ako.

Call Center agent daw yung role ko sa mga poster.

Fastforward ng onte…

Mommy, mommy, kukunin daw ako model para sa job fair poster.

Eh baket ngayon ka lang kinuha diba 4 years ka na dyan.

(Very supportive si mommy)

 

Yung photo shoot daw ay sa Thursday morning, at ang Video shoot (oo meron video shoot yung parang sa movie trailers lang) sa afternoon.

GOODLUCK TO ME!

Sabi ko na eh Akin ang Month Of June.

 

Fresh From Thailand

image

Sabay-sabay na naman mga nagpapalagay ng games/music/movies…

Eto na naman. Imbes na nagmamarathon ako ng Gintama (anime) eto nakabalandra sa desk ko. Tatlong android phones mula sa iba’t ibang empleyado.

1 out of 3 nagpakain ng bucket meal sa kfc. Alam na.

Anyway…

Pare-pareho halos yung gusto nilang ipalagay na games. Candy Crush, Icon Mania, 4pics 1 word, at ang application na WECHAT.

Onga pala, isa sa tatlong celphone sa itaas ay napag-alaman ko na CLASS A. Nahihiya naman akong i confirm sa may-ari. Alin kaya dyan??

Sick Leave

Mula ng pagpasok ko dito sa office, meron silang tinatawag na grace period. Eto yung pwede kang lumampas sa normal time mo sa bondi clock ng 15 minutes.

So pag 9:00 A.M. ang pasok mo, pwede kang magbondi clock hanggang 9:15 A.M. para masabing pasok ka pa din sa banga.

Hmmmm… Bakit kaya 15minutes?

Eto pala… Nung 6:00 P.M. (uwian ko) nagbondi clock ako tapos umuwi na. Pagtingin ko sa orasan ng Manila City Hall… Wala pang 6:00 P.M. Ibig sabihin…

Advanced ang orasan sa office ko, at saktong 9:00 A.M. talaga ang pasok ko sa totoong buhay.

Magmula noon, lagi ng advanced ang relo ko.

Kaya lang, nagulat ako kanina pagpasok ko kasi sa relo ko late na ko.

Napa shetttttttttt ako kasi normal time na rin ang ginagamit sa office. Magpapapizza ko dahil dito. After 4 years! Naging normal din ang orasan ng bondi clock!

Hindi na ko laging magmamadali sa pagpasok. Yehey!

Overtime din pag may Time

Guess What, contributor na din ako sa Taragis.com, yung geeksite about technews etc. Ayun. Unang assignment ko ay magreview ng Headphones. Saan galing ang headphones? Pinadala saken from China ata or Taiwan. Ito ang Superlux EVO something. Haha!

Part time job, aside from being an ICT STAFF. (sorry medyo english)

Hmmmmm..

Basta yung review eh dun sa Taragis.com ipopost.

Kelangan kodakan moments kasama ang libreng gadget.

20130523_074621Panis. Bagong headset. Pasintabi sa Selfie Photo. Wala kasing gustong magpictuer saken sa bahay.

Teka eto pa ibang pictures…

BOXBox pa lang panalo na. Weh Sipsip?

superluxGanda talaga. Shet. lol

May pamalit na din ako sa disposable kong CD-R King headphones.

Yun nga lang, kelangan english ang pagrereview. Pano ba to… Basta sasabihin ko na lang…

This is great! Awesom! Cool Design! Outstanding sound! LOL

Kelangan galingan ko baka first and last ko na to pag pumalpak.

Eto ilang excerpts mula sa review na sinulat ko, ipapasa ko sa boss ng Taragis.com:

“The feel while wearing the headphones is quite exceptional, given the fact that it’s lightweight. You won’t feel like wearing a ten gallon hat.”

“The noise level of music that I played is like at below sea level.  I could enjoy the music clearly and perfectly.”

ANO DAW? LOL

Tusok-tusok ang Lunch sa Intramuros

Eto minsan ang pinaka-ayoko sa trabaho ko, yung biglaan kang magkakamerong sidelines na di mo naman gusto. May papasok ng department at makikisuyo ng kung anu-ano. Pinaka mabenta ko sa pag-aayos ng mga celphones lalo na kung ang Operating System ay Android.

celphoneEto yung celphone ng officemate ko na nagpapascan kung may virus daw.  Whew…

Ewan ko, pakiramdam ko ako ang nagdala ng Android sa office. Simula ng mabili ko yung Samsung Galaxy tab 7.0 ko three years ago, ako na nilalapitan ng mga empleyado para magpa install ng games, apps, etc.

Siguro nasa 5% lang sa kanila ang nakakaalala at nagpapakain o parang konting donasyon sa paggawa ko sa mga personal nilang pangangailangan. Yung iba puro Thank you.

Bukod sa celphones, nandyan ang mga Tablets, Laptaps, Personal Computers sa bahay… Meron din na nagpapa home service pero Hinding-hindi ako naghohome service. Mahirap na.

Kulang na nga lang magpagawa saken yung mga empleyado ng sirang pinto, baradong lababo, sunog na sinaing, pagpapalit ng bumbilya, etc.

Teka nga, wala naman sa job description ko mga yan diba…

Pero minsan pampalipas oras din para naman kahit papano may ginagawa ako. Yun lang wag na wag nila kong ipepressure kapag di ko maayos agad o mabigyan ng atensyon yung mga side jobs nila.

 

Minsan nga, tatry ko magpunta ng Greenhills sa dayoff ko, baka qualified akong magtayo ng sariling shop dun. Butintingan ng mga gadgets. Kasama nung mga muslim.

Yun lang.