Kay Tagal Kang Hinintay

Happy fathers day

Di ko na hahabaan yung father’s day post kasi baka magselos si mommy, di ko sya nagawan ng post. Anyway…

Kahapon pala yung fun run sa may Ortigas. Petron Run for Safety. 10k ang layo ng tatakbuhin. Takte dalawang fly over ang tinakbuhan back and forth. Kaya hanggang ngayon pilay ako.

Wala pang mga pictures, di pa nabibigay saken, hahanap na lang ako kung sino magpopost sa FB. May mga photographers kasi dun na nagkukuha ng random pics ng mga runners sana meron ako.

Eto na lang muna yung laman ng lootbag…

lootbag

Karamihan sa laman eh mga brochure ng mga loan, promo, ewan ewan galing sa bank of commerce. Mas gusto ko pa din lootbag nung sa Natgeo. Haha!

Next run… Addidas King of the Road! Oh yeah!

 

Eto pala ang picture ko sa FUNRUN. OHA di ko kilala sino photographer neto, nagrab lang ng officemate ko sa fb.

petron

Warm Bodies

June 2, 2o13…¬† Run United 2, Runrio Trilogy. So may 3 pa? Kelan?

Gumising ako ng 3:30 A.M. at naligo. Nagbihis. Umalis ng bahay ng 4:00 A.M. Sumakay ng tricycle, jeep, at bus. HIKAB.

5:30 A.M. ang simula ng takbo para sa mga nagparegister ng 10kilometers. Kasama ko dun syempre.

 

Tamang-tama hindi ako nag breakfast. Sa MOA nga pala yung venue nakalimutan kong sabihin. Tapos ayun nga, sa bawat water station, namimigay sila ng libreng gatorade. Susyal. At… Saging na lakatan. Naka lima ako. Breakfast ba kamo?

Parang mga gago nga lang yung mga tao dun kasi may nakikita kong mga balat ng saging sa gitna mismo ng kalsada kung saan kami tumatakbo. Pano kung may nadulas? O baka sa cartoons lang effective na pampadulas sa mga tumatakbo. Ewan.

Basta ang kalat-kalat-kalat.

Natapos ko naman yung 10k kasama ang dalawang officemates ko. Mga 1 oras at kalahati. Basta ganun yung time.

Eto mga pictures…

7179_10201226271929220_614795035_nManong na nasa kaliwa… ung sino ka man, ang epal mo! Nagpipicture ako sa finish line di ka man lang tumabi sa gilid!

 

983969_10201226279049398_1079028571_nUso daw ang look-up shot ni Ryzza Mae Dizon kaya pinagbigyan ko na tong dalawang to. Haha!

 

936381_10201226275009297_1208815281_nPwede naman sanang bumilang muna ng 1,2,3 bago ako kunan ng picture diba. Para tuloy batang naiwan o di maintindihan. Haha!

970783_10201226273209252_1012942400_nSabi nila mag ssquat muna sila para mawala sakit ng paa nila. Sabi ko naman sige pipicturean ko kayo para makarami.

270052_10201226281089449_271658957_nAng Loot Bag. Ano ang laman? Tara silipin natin…

429844_10201226281569461_950268674_nDi ko na ililista kung anu-ano yan. Pagod na ko e.

Bye.

Basa ang Upuan sa Taxi

Alarm! Alarm! Alarm! 4:30 A.M. Alarm!

Bangon, ligo, bihis…

Suot ng Phil Health singlet, shorts na pangtakbo, etc… Ready na magjogging!

Pagdating sa U.P. stretching muna syempre para di manakit ang mga maskels sa pagtakbo. Focus sa binti at sa paa. Dun kasi madalas sumakit, siguro dahil sa body weight…

Nakatakbo naman ako ng isang buong ikot… Pagkatapos may naramdaman akong kakaiba.. parang… parang… Aray!!!

Natatae na pala ko. Dahil to sa sobrang daming pagkain nung gabi, birthday ng kapatid ko. Nagtanong ako sa vendor kung san pwedeng tumae. TInuro nya yung building na katapat. Di ko alam pangalan ng building kasi di ko na napansin. Taeng-tae na talaga ko. Sorry sa term pero masgusto ko yang term na yan kesa sa dumi. Napaka-peke.

Pagpasok ko, may guard naman, tinuro nya kung saan C.R. Deretso daw tapos kanan. Ganoon pala itsura ng mga building sa U.P. pag umaga. Madilim yung mga corridor. Parang horror film. Medyo matagal bago ko nahanap yung C.R.

May tabo naman, edi sumalok na ko ng tubig sa gripo. Di ako talaga tumitingin sa salamin. Pagpasok ko ng cubicle… shit walang lock yung pinto. Eh wala nga naman tao pala… Pero pano kung may multo o zombie. Edi nakain kagad ako. Di rin ako tumitingin sa paanan ko kasi baka bigla akong may makitang dalawang paa na nakatayo sa harapan ng pintuan.

Nairaos ko naman. Masgrabe ang pawis ko nun kesa sa pagtakbo.

Moving on…

Tumakbo pa ko ng ilang kilomentro… Tapos naglakad-lakad na lang… Ginagawa nga pala yung kalsada kaya medyo baku-bako. Habang naglalakad ako… BLAG!

Plakda. Dive. Subsob. Nakakahiya talaga.

Silence…

Pagbangon ko. Ang hapdi ng mga tuhod ko. May sugat akong nakita sa palad ko, kasi pinangtukod ko.

Naglakad ako ng nakasingkit ang mga mata dahil sa sakit ng mga gasgas sa tuhod ko. Akala ko pag nagalusan lang eh parang kagat lang ng langgam. Putek habang humahangin ng malakas, napapa aray ako eh.

sugat

Jaguar ang WiFi sa Bahay

Sabi nila, kapag mahilig ka daw tumakbo, may mga problema ka daw na gustong takasan.

Sabi ko naman, di ko naman “sila” kilala bakit ako maniniwala sa sabi-sabi nila.

Kung ang tao, nagmula sa unggoy, syempre may history din kung bakit nagsimula akong tumakbo.

Eto ang buong pangyayari. May palista sa office, parang paliga (league sa english) lang sa baranggay. Ililista kung sino ang gustong sumali sa Fun Run na organized by Phil Health. Nagkataon na Day off ni dudung, nagulat na lang ako tinext ako ng officemate ko na nailista na ko. Edi yun na nga. The End.

Hindi ko na ikukuwento yung buong detalye ng pakikipag-away sa akin ng taga-Personel kasi mahaba at saka maselan. “Pakikipag-away sa AKIN” – Ako lang talaga inaway nya dahil di ako pumalag kasi di sya kapatol-patol.

Back to the game…

Ang una kong FUN RUN ay 3K o tatlong kilometro ang layo. PHIL HEALTH RUN ata pangalan, basta. Sa Quirino Grandstand sa may Luneta ang venue.

Dahil nga first time, masakit. Masakit talaga sa paa. Lalo na hindi ako nag-warm up. Ang kukulit lang nung ibang mga tumatakbo. Dahil nga libre ang registration para sa 3K, yung iba picture lang ng picture.

Akala ko basta takbuhan lang ang pagsali sa funrun na parang ICE-ICE-WATER o Langit-Lupa-Impyeno. Natapos ko naman, pero ‘di ko alam kung gaano ko katagal natapos.

PhilHealthYabang may certificate!

Ang ikalawa kong FUN RUN ay 5K o limang kilometro ang layo. RUN RIO RUN UNITED. Eto medyo malayo ng kaunti yung venue, sa MOA. Hindi nakarating yung officemate ko kaya mag-isa lang ako tumakbo dito.

Natapos ko naman, umabot ako ng 40 minutes. Yata. Di ako sigurado, pagod ako nun.

Walang mga pictures kasi nga wala akong kasama.

Ang ikatlo kong FUN RUN ay 21K o ¬†putanginang dalawampu’t isang kilometro. NATIONAL GEOGRAPHIC RUN Sa Bonifacio Global City ng TAGUIG (Ang layo-layo-layo)

Ang tigas ng mukha. 3k, 5k, tapos 21k? Eh ano ba naman magagawa ko, may nagpalista na ng pangalan ko. Sayang naman kung aayaw ako. Challenge din kaya yun. Mga challenges nga ni God nakakaya ko, eto pa kaya? Si Jinky Oda nga maitim, ngayon maputi na. 21K run pa kaya?

Inabot lang naman ako ng 3 hours para mairaos ang putanginang 21K run.

finisher3Eto ang winning pose ng isang batang nakatapos ng 21K.

Ang bangis! Ang angas! More! More!!! Dahil natapos ko ang 21K, nagparegister na ko sa susunod na FUN RUN. Ang RUN RIO Run United 2 na gaganapin ulit sa MOA…

10K ang niregister ko. Palag? Di ko pa talaga kaya yung 21K eh…

So, ayun nga… Bakit nga ba talaga ko tumatakbo? Nagpapapayat? Nagpapa-maskels (muscles)? Bonus na lang yang mga yan “kung” may epek (SANA!)

Pero tumatakbo talaga ko kasi gusto kong magkaroon ng outdoor activity. Hindi yung puro computer lang ako ng computer. IT staff na nga ako tapos pag-uwi ko ng bahay laptop pa ko ng laptop. Iba din kasi feeling nung tumatakbo. Basta, di ko ma-explain. May something.