Sana Hindi Umulan ng Malakas

Hapon na pero humabol pa yung pagsakit ng tiyan ko. Five minutes na nga lang uwian na pero di ko na talaga kaya.

Tumakbo ko sa kubeta sa first floor ng office. Sana lang di ako multuhin ulit, Linggo pa naman walang masyadong tao.

Habang ginagawa ko na yung ritwal ko #medyokadiri lang, nagmuni-muni muna ako kung anong dahilan ng pagsakit ng tiyan ko.

Anu-ano ba mga nakain ko mula paggising aa umaga?

Tara at itala natin sa pisara.

1. Cornedbeef breakfast meal sa Jollibee with 2 eggs and Pineapple Juice.
2. Kellogs cereal.
3. Gatas… para sa cereal.
4. Chiz wiz na nakapalaman sa dalawang tasty.
5. Marble cake mula sa Salazar bakeshop sa SM Manila.
6. Brownies sa Salazar bakeshop pa din.
7. Blueberry slurpee sa 7-11.

Hmmmmmmm. Ang hirap isipin… alas dose na ng gabi pero di ko pa rin alam kung alin sa mga nabanggit sa itaas ang salarin.

Sa totoo lang, kagagaling ko nga lang ulit sa banyo… medyo #TMI lang.

Di bale na nga itutulog ko na lang to. Bukas na lang ako uley maglalabas ng sama ng loob. Hihi.

Advertisements