Just Give Me A Reason

May nagmessage saken sa facebook…

“jeson, dad mo ba yun?”

Ako naman, parang teka lang, Anong dad? bakit? Anong nangyari kay daddy? Asan sya! Anong nangyari!

“ever supportive dad? yong nagcomment sa review mo”

Ahhhh.. Kala ko kung ano na nangyari. Babawas-bawasan ko nga panonood ng mga Suspense, Thriller, Horror, etc.

Dali-dalian kong binuka ang http://taragis.com para tignan ang review ko na POSTED na pala. Yahey! Nagscroll down ako hanggang sa comments. Eto ang bumulaga sa akin…

comments

 

Una sa lahat, hindi bibili ng ganyan kamahal na headphones si daddy, at pangalawa, daddy, di ka nag eenglish! haha!

Ilove you daddy! Napakasupportive mo talaga. Pati sa RUNNING ko alam ko supportive ka kahit pinagalitan mo ko nung bumili ako ng sapatos imbis na ihulog ang pera ko sa bangko at sa bahay.

Ingat ka dyan sa Cagayan de Oro. Pagbalik mo dito sa Quezon City, Ibebenta ko sayo to ng 500 pesos. Joke lang, LIBRE lang syempre. Lab kita eh. Uwi ka na.

 

 

Playtime Tuwing Dayoff

Lunes hanggang Biyernes pumapasok si mommy. Kapag 7pm o 7:30pm na… kakatok na yan sa pinto kasi… umuwi na malamang…

Pero kanina iba… pasado 8pm na wala pa sya. Tinext ko na at tinawagan ng paulit-ulit-ulit… ring lang ng ring.

Si lola nga tumawag pa sa landline ng office ni mommy pero kahit guard walang sumasagot…

Anyare kaya…

Bandang 8:30pm dumating na sya. Bakit daw ako tawag ng tawag baka daw masnatch celphone nya sa labas.

Ok. May point naman sya. Eh bakit daw ako tawag ng tawag? Sasabihin ko sana wala lang nagmimiscol lang ako mommy , nag-uubos lang ako ng battery. Lels.

Kaya pala medyo natagalan syang umuwi….

image

May dala syang cheese monay galing sa French Baker. Sushal. Haha!!!

Automatic Payong from Recto

Birthday ni Jerome, bunso kong kapatid. Ano pa nga bang meron pag may birthday? Pagkain! Di ko na sasabihin o ipopost pa dito kung ano ang regalo nya sa sarili nya. At syempre, kung anong ireregalo ko sa kanya…

Sa sobrang init talaga hindi pwedeng agad-agad eh lantakan na kapag nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. Picture-taking muna! Syempre ng may birthday at ng buong pamilya. Pero masgusto kong picture-an yung mga pagkain. Hipster?

Eto na!!!

DSC_0054 (3)Walang kamatayang Ispageti ni mommy. Sobrang sarap, wala ring kupas.

DSC_0055Liempo courtesy of Andoks. Hindi masyadong malutong pagkakaluto. Masgusto ko yung sa Baliwag.

DSC_0056Andoks Lechon Manok. Eto siguro specialty ng Andoks? (Di sigurado)

DSC_0043Eto ang panalo. Dulce de Leche Cake from Red Ribbon. Panalo din ang “Fr: dady, momy”

Di na ko nagtaka kung bakit nagtatabaan ang mga tao dito sa bahay. Haha! Sarap kasi kumain. Exercise din tayong lahat pag may time…

Happy Birthday ulet, Jerome! Sana sa birthday kong malapit na malapit na, mga JUNE… Sana masmasarap mga handa ko kesa sayo di ako papatalo. Rerentahan ko yung buong Ocean Park tapos ipapasara ko yung Manila Bulletin ng isang araw. Biro lang.