Starbucks After Office

mochiWala lang, nagtatry lang mag macro shot sa celphone. Nge.

Naghahanap ako ng murang version ng ice cream mochi na nakita ko sa SM MEGAMALL. Sa wakas, nakakita ko sa SM Savemore Grocery ng… Mochi. Eto pala yung original.

But wait! Ang laman nya ay Munggo. Masarap… At ang outer layer ng Mochi ay parang Tikoy… Iba’t iba ang mga flavor. Merong kiwi, strawberry, may kasama pangang buchi. Basta masarap. P40.00 lang isang pekete, at may laman na 10 piraso.

Nagulat nga ako kinabukasan, bumili na rin si mommy. Naingget? Masarap naman talaga kasi.

Screenshot_2013-05-30-16-06-34Dahil meron akong internet sa sun na medyo unlimited naman, nagdownload ako ng torrent.

Hindi ko akalain na kahit liblib na lugar tong department namin ay may masasagap akong signal ng SUN, at umabot pa ng 70kb per second ang download speed. Di na rin masama. Blocked kasi dito sa office ang pagdodownload ng torrent kaya umaasa ako sa SUN.

Usong-uso ang Wechat ngayon. Usong-uso din ang mga nang-aadd na mga di mo kilala, kasi merong gimik yung Wechat na look for people around you, at pwede mo na kaagad i add.

wechatSorry pero di ako nag-aadd ng di ko kilala. Hehe. KTHANKSBYE

Advertisements

Juan Dela Cruz Sabi nung Bata

Inimbitahan ko manood ng movie si Ms. OJT. Kaso di sya pwede for some valid reasons. Oo. Valid talaga. Para di masakit sakin. Just kidding. Ok lang talaga.

Pagkatapos kong maglungkut-lungkutan, napagdesisyunan kong matulog ng maaga. Mga 11:00 P.M. Anyway. Okey din na natulog ako ng maaga kasi may dentista ako ng 9:00A.M. sa may Ayala.

Edi ayun fast-forward ng konte, pagkatapos kong magpadentista, naglakad na ko hanggang Glorietta 4. Ngayon ko lang nakabisado yung Greenbelt, Landmark, SM, at Glorietta. Kelangan pala wala akong kasama para makamemorize ng lugar. Wala kasi akong aasahan na magguide ng mga lugar-lugar.

Maaga kong nakarating sa Sinehan ng Glorietta 4, at kung bakit doon ako unang dumeretso, kasi naman may dalawang libreng passes ako from Manila Bulletin, Monitoring Passes.

Hindi kasi nagamit nila mommy at daddy kaya ako na lang daw gumamit (regalo ko kaya sa kanila yun kasi lagi akong pasaway.)

Nicheck ko ang schedules sa malalaking monitor.

Eh… Nakapatay sila lahat.

Nicheck ko sa Sureseats website sa aking celphone (Wow Mobile Internet!)

Eh… 12:45 P.M. ang pinaka unang showing. Anong oras pa lang??? 10:30 A.M.

NAGTIME ZONE AKO.

Tapos nung medyo open na yung bilihan ng tiket….

image
EPIC!!!

Tapos ko bumili ng ticket… Shet ang lungkot pala talaga gumala ng mag-isa! Anyway kumain ako sa KIM & CHI. Pagkatapos kong umorder ay ito ang ibinigay saken…

image
Yayanig sya pag ok na yung order mo.

Eto nga pala yung Sausage Omu Rice Omelette.

image
Yummy!

Bumalik ako sa Time Zone dahil wala pa din 12:45 P.M.

Nung mga 12:30 P.M. na, pumasok na ko sa sinehan. Takte puro bata ang mga nanonood ng EPIC. Haha! Punuan din naman kahit papaano.

Maganda ang movie. Sa mga nagsasabi na pangit ang movie… Ewan ko sa inyo. Haha! Basta sobrang nagenjoy ako sa movie. Ang di ko lang maintindihan, Muntik na ko maiyak sa movie, kung wala lang tao… Napatulo na talaga luha ko. Nakakahiya talaga sa mga bata.

Pagkatapos ko manood, nagcheck ako ng movie schedule. Isang oras pa ang hihintayin ko para sa next movie. The fast and the furious 6. Bakit manonood pa ako?

KASI DALAWA NGA YUNG MOVIE PASSES KO.

Eh bakit nga?

KASI MAY 31 ANG EXPIRATION, AT NGAYON LANG ANG DAY OFF KO.

Umuwi na lang ako.

 

Just Give Me A Reason

May nagmessage saken sa facebook…

“jeson, dad mo ba yun?”

Ako naman, parang teka lang, Anong dad? bakit? Anong nangyari kay daddy? Asan sya! Anong nangyari!

“ever supportive dad? yong nagcomment sa review mo”

Ahhhh.. Kala ko kung ano na nangyari. Babawas-bawasan ko nga panonood ng mga Suspense, Thriller, Horror, etc.

Dali-dalian kong binuka ang http://taragis.com para tignan ang review ko na POSTED na pala. Yahey! Nagscroll down ako hanggang sa comments. Eto ang bumulaga sa akin…

comments

 

Una sa lahat, hindi bibili ng ganyan kamahal na headphones si daddy, at pangalawa, daddy, di ka nag eenglish! haha!

Ilove you daddy! Napakasupportive mo talaga. Pati sa RUNNING ko alam ko supportive ka kahit pinagalitan mo ko nung bumili ako ng sapatos imbis na ihulog ang pera ko sa bangko at sa bahay.

Ingat ka dyan sa Cagayan de Oro. Pagbalik mo dito sa Quezon City, Ibebenta ko sayo to ng 500 pesos. Joke lang, LIBRE lang syempre. Lab kita eh. Uwi ka na.

 

 

Sizzling Sisig with Egg

spongebob

Nasaan si Spongebob?

Nung isang araw, pagkatapos kong tumakbo, naupo ako sa katabing bench ng tindera ng mga gatorade.

Tapos, may nakita akong dalawang kuting. Sabi ko, meow, meow, meow sitsitistististit (parang sumusutsot na malambing) Nagulat na lang ako ng lumapit yung puting pusa tapos umakyat sa bench.

Tumabi sakin. Pagkatapos ng 1, 2, 3 seconds, sumampa sa kandungan ko at bigla na lang syang humiga (nakadapa pag pusa) at nagpahinga.

It’s a sign. LOL pauso lang. Basta.

Bakit it’s a sign? Kanina naman dito sa pintuan ng department, nandito sila OJT.

Hihi. Hihi. Hihi. lande ampotek.

OJT: Hi sir… sabay abot saken ng…

Ang sweet talaga… “Braces make smiley faces”

 

Sabi ko thank you, nakakahiya naman wala pa kong ibibigay sayo…(Last day na kasi nya dito sa office as OJT). Okey lang daw…

Pero syempre hindi ok! hindi ok!

Kaya syempre may binigay ako sa kanya… yung… kaya nga nawawala si Spongebob sa picture sa itaas.

Hihi. Landeeeeeeeeeeeee

 

 

Sana Hindi Umulan ng Malakas

Hapon na pero humabol pa yung pagsakit ng tiyan ko. Five minutes na nga lang uwian na pero di ko na talaga kaya.

Tumakbo ko sa kubeta sa first floor ng office. Sana lang di ako multuhin ulit, Linggo pa naman walang masyadong tao.

Habang ginagawa ko na yung ritwal ko #medyokadiri lang, nagmuni-muni muna ako kung anong dahilan ng pagsakit ng tiyan ko.

Anu-ano ba mga nakain ko mula paggising aa umaga?

Tara at itala natin sa pisara.

1. Cornedbeef breakfast meal sa Jollibee with 2 eggs and Pineapple Juice.
2. Kellogs cereal.
3. Gatas… para sa cereal.
4. Chiz wiz na nakapalaman sa dalawang tasty.
5. Marble cake mula sa Salazar bakeshop sa SM Manila.
6. Brownies sa Salazar bakeshop pa din.
7. Blueberry slurpee sa 7-11.

Hmmmmmmm. Ang hirap isipin… alas dose na ng gabi pero di ko pa rin alam kung alin sa mga nabanggit sa itaas ang salarin.

Sa totoo lang, kagagaling ko nga lang ulit sa banyo… medyo #TMI lang.

Di bale na nga itutulog ko na lang to. Bukas na lang ako uley maglalabas ng sama ng loob. Hihi.

Low Battery na XBOX Controller

image

Naghahanap ako ng hd graphics game sa android. Nakita ko tong MY FIRST DOG.

Ganda nga ng graphics. Una bibili ka ng tuta. Tapos makikipaglaro ka. Hahawak-hawakan mo at hihimas-himasin mo. Pwede mong pakainin, bigyan ng laruan, ilakad sa labas.. etc…

 

Kyot. Yun lang.

 

Kaso… Habang nilalaro ko yung tuta ko, nalungkot ako bigla.

Bakit?

a.) Hindi ako pwedeng mag-alaga ng aso sa bahay dahil ayaw nila mommy at daddy.

b.) Ganun na ba ko ka-bored para maglaro ng Virtual Pet sa celphone?

c.) Yung tuta nakakulong sa loob ng celphone.

Pero sa game na to, naalala ko yung tamagotchi.

What is Tamagotchi?

inisnatch na larawan kay google. hihi.

Tamagotchi – Virtual pet na laro na sobrang miniature version ng gameboy na pwedeng gawing keychain. Ang goal mo ay pakainin ang baby cat/dog/fish/bird/tao/demon (LOL). Makikipaglaro ka din, papaliguan mo pag pinawisan, at iinjectionan kapag nagkasakit. Papatayin mo din ang ilaw pag nakatulog na sya.

Medyo advanced lang tong MY FIRST DOG kasi nga android running application na sya kumpara dun sa 8-bit game tamagotchi na hindi ko man lang mapaabot ng 1 year old dahil namamatay o narereset. Kinakain kasi yung tae tapos malalason bigla ano kaya yun?

Anyway…

Nung nakita ko kanina ang mga updates sa Celphone ko… (tingnan ang larawan sa pinaka-itaas)

UNINSTALL.

Bye Tuta. Yep, yun ang pangalan nya. Ganyan ako magpangalan ngayon ng alaga, para kung sakaling medyo mamamatay na, di na ko masyadong malulungkot.

Tulad nung huli kong hamster na HAMSTER ang pangalan, at yung hedgehog ko na si HEDSHAG.

Overtime din pag may Time

Guess What, contributor na din ako sa Taragis.com, yung geeksite about technews etc. Ayun. Unang assignment ko ay magreview ng Headphones. Saan galing ang headphones? Pinadala saken from China ata or Taiwan. Ito ang Superlux EVO something. Haha!

Part time job, aside from being an ICT STAFF. (sorry medyo english)

Hmmmmm..

Basta yung review eh dun sa Taragis.com ipopost.

Kelangan kodakan moments kasama ang libreng gadget.

20130523_074621Panis. Bagong headset. Pasintabi sa Selfie Photo. Wala kasing gustong magpictuer saken sa bahay.

Teka eto pa ibang pictures…

BOXBox pa lang panalo na. Weh Sipsip?

superluxGanda talaga. Shet. lol

May pamalit na din ako sa disposable kong CD-R King headphones.

Yun nga lang, kelangan english ang pagrereview. Pano ba to… Basta sasabihin ko na lang…

This is great! Awesom! Cool Design! Outstanding sound! LOL

Kelangan galingan ko baka first and last ko na to pag pumalpak.

Eto ilang excerpts mula sa review na sinulat ko, ipapasa ko sa boss ng Taragis.com:

“The feel while wearing the headphones is quite exceptional, given the fact that it’s lightweight. You won’t feel like wearing a ten gallon hat.”

“The noise level of music that I played is like at below sea level.  I could enjoy the music clearly and perfectly.”

ANO DAW? LOL