Maroon Pants

I.

Officemate: Jason, paano ko ba mapapalitan tong computer ko, sobrang bagal, laging naghahang, nag-eerror.

Jason: sirain nyo na po para mapalitan.

Officemate: Haha, ayoko naman gawin yun.

Jason: Gawa na lang po kayo ng request.

Officemate: Sinabi mo na sakin yan dati. Pag napalitan yung cpu ko, di mabubura mga files?

Jason: Gawa po kayo ng request na naka-address sa boss namin, tapos pag na-approve na po, papalitan na CPU nyo. Yung mga files nyo mababack-up naman po, tsaka maililipat sa bagong CPU. Bagong Unit po ibibigay sa inyo kaya oorder ng bago sa supplier, para di kayo gumamit ng recycled na CPU galing sa ibang department.

(Si officemate tulala lang)

Officemate: Di ba masakit yang braces mo?

Jason: Huh?

 

II.

Jason: Ate Myra!!! Bakit ngayon ka lang pumasok, namiss kita. (Si ate myra ay tomboy)

Ate Myra: Oh talaga? Kung namiss mo ko, kiss mo nga ko…

(Kiniss ko sya sa cheeks)

Ate Myra: Bakla ka. Hahahahahaha

(Pagbalik ko sa department nila….)

Ate Myra: Hoy bakit ako lang daw may kiss? Paano si Bien? (Si bien ay beki)

Bien: Ako, Jason kelan mo ko ikikiss? Pag umabsent ako ng matagal?

Jason: Huh?

 

III.

Ang usapang Pineapple. HAHAHAHAHAHAHA

Kala mo ah, pero di ko yun iboblog pramis.

 

Fresh Lumpia and Marlboro Green

 

  • You:‎ Hi there
  • Me:‎ hello
  • Me:‎ ;)
  • You:‎ Musta
  • Me:‎ eto mtaba
  • Me:‎ hahahahahaa
  • Me:‎ ikaw
  • Me:‎ kmusta naman
  • You:‎ Kala ko nag eexcercise ka na
  • You:‎ Haha
  • You:‎ Eto bahay lng. Masama pakiramdam
  • Me:‎ nge baket masama.
  • Me:‎ di ako makaexercise
  • Me:‎ ang daming kainan ah
  • Me:‎ hahha
  • You:‎ Nilalagnat ako kagabi gang kanina
  • You:‎ Ok lng kumain basta bawiin sa exercise
  • You:‎ Haha
  • Me:‎ hahahaha
  • Me:‎ uminom ka ng dalawang biogesic or bioflu
  • Me:‎ tapos sprite
  • Me:‎ effective yun
  • You:‎ Bkit sprite??
  • You:‎ Haha
  • Me:‎ kasi ganto yun.
  • Me:‎ yung flow ng gamot sa katawan kapag nadillute na ng tubig,
  • Me:‎ matagal bago makarating sa ibang areas ng katawan.
  • Me:‎ so mahihirapan ang mga components ng bioflu to take over the bad bacteria that are causing the fever.
  • Me:‎ moreover,
  • Me:‎ kapag sprite ang ginamit
  • Me:‎ may certain aspects ang acidity level ng carbonated drink para masmadaling ma push ang mga gamot na tinatake lalo na in terms of tablets or capsules.
  • Me:‎ mas madaling kakalat sa katawan
  • You:‎ :)
  • You:‎ May point ka
  • Me:‎ hahahahah
  • Me:‎ kala ko sasabihin mo -wehhhhh
  • Me:‎ =))
  • Me:‎ pero totoo yan pramis
  • Me:‎ hahaha
  • You:‎ Hahaha

Madalas pag inaantok ako, kung ano ano pinagsasasabi ko sa mga kausap ko. Pinatulan naman. Haha! Pero based on experience naman talaga, effective ang paglaklak ng dalawang gamot plus bote ng sprite.

Yung mga terms lang ang ewan ko kung san ko nakuha. Haha!

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

It was late 12:00 A.M. Takte maka english lang…

Nagset ako ng alarm sa celpon ko ng 4:30 A.M. Sabi ko pa, mommy, tatakbo ako bukas ah, magjojogging.

Sabi naman nya: Ang lakas ng ulan tatakbo ka? Madadapa ka.

Ako: Huh?

Inabot ko kay mommy ang celpon ko at naglaro sya ng candy crush kasi naka charge yung sa kanya.

Okay fast forward ng konte…

It was late 7:00 A.M. Shet talaga. Anong oras na. Tatakbo nga pala ko. Baket di nag-alarm?

 

1. Dinelete ni  mommy ang alarm

2. Nireject ni mommy ang tumatawag sa celpon ko na mga kasama ko magjojogging

3. Naingayan si mommy sa celpon kaya pinindot para tumigil.

 

Syempre ayaw kong pagbintangan si mommy. Hahahahahahaha

Malas nga ngayong araw, nakarating ako sa office ng walang wallet.

Ang tanging dala ko lang sa bag ko ay…

 

20130609_091552[1]

Starbucks After Office

mochiWala lang, nagtatry lang mag macro shot sa celphone. Nge.

Naghahanap ako ng murang version ng ice cream mochi na nakita ko sa SM MEGAMALL. Sa wakas, nakakita ko sa SM Savemore Grocery ng… Mochi. Eto pala yung original.

But wait! Ang laman nya ay Munggo. Masarap… At ang outer layer ng Mochi ay parang Tikoy… Iba’t iba ang mga flavor. Merong kiwi, strawberry, may kasama pangang buchi. Basta masarap. P40.00 lang isang pekete, at may laman na 10 piraso.

Nagulat nga ako kinabukasan, bumili na rin si mommy. Naingget? Masarap naman talaga kasi.

Screenshot_2013-05-30-16-06-34Dahil meron akong internet sa sun na medyo unlimited naman, nagdownload ako ng torrent.

Hindi ko akalain na kahit liblib na lugar tong department namin ay may masasagap akong signal ng SUN, at umabot pa ng 70kb per second ang download speed. Di na rin masama. Blocked kasi dito sa office ang pagdodownload ng torrent kaya umaasa ako sa SUN.

Usong-uso ang Wechat ngayon. Usong-uso din ang mga nang-aadd na mga di mo kilala, kasi merong gimik yung Wechat na look for people around you, at pwede mo na kaagad i add.

wechatSorry pero di ako nag-aadd ng di ko kilala. Hehe. KTHANKSBYE