Look Around

Alas dose na. Ubos na rin yung tortillos kong malaki, kulay black. Simot na din yung Moo Milk Chocolate drink ko na may Finn sa harapan. (Sa adventure time).

Lunch break na.

Naglakad-lakad ako papuntang SM Manila, since karatig-pook lang ng opisina. (napalalim ang tagalog)

Usually sa mga SM may mga ahente na nangungulit ng mga life insurance, pabahay, etc. Jackpot. Nahuli ako nung ateng kuya. (beki)

B: Teka lang pwedeng magtanong? (Sabay inabot sakin yung papel)

Ako naman, eh medyo nagulat, naambush, edi nakuha ko yung papel, lalakad na ko paalis pero sabi nya…

B: San ka nag-aaral? Pa fill-upan naman to, raffle to.

Ako: Ah, sige po ok lang ako.

B: Mabilis lang to.. sige na…

May rumesbak na kasama nya, sabi: Baka natatakot si kuya (pertaining to me) kasi bawal estudyante sa SM.

Ako: Ha? Hindi, nagtatrabaho na ko.

Edi nagfill up na nga ko ng pangalan, etc. sinulat ko na din edad ko na 25.

B: 25 ka na kuya??? Nasan girlfriend mo?

Ako: Ha? Ah, nasa bahay. (para tigilan na nya ko sa pag-iinterview.)

B: O teka, bat aalis ka na, san ka pupunta?

Ako: Kakain. hehe bye.

Philippine prudential

At ayun na nga pwede na ko manalo ng airplane at kotse.

San kaya pwedeng kumain? Dumaan muna ko sa grocery. Sa tagal-tagal kong pag-iikot, etong dalawa ang nabili ko. Di ko alam kung baket. O baka nagcacrave lang talaga ko sa Chocolate and Chips.

chocolate mint treat

Paborito ko nga pala ang Mint. Lalo na pagkasama sa chocolate. Sa pasko, gusto ko ng maraming-maraming-maraming Mint chocolate. O ice cream. Di ako choosy. Haha.

pringlesAt siyempre, my all-time favorite, ang Pringles. May Jalapenyo na pala. Kala ko cheetos lang may gantong flavor. Masarap tong kainin habang nakasakay sa Bus. at sa LRT na din. LOL

Pero teka, may isa pa kong craving. Hindi pagkain, kundi eto…

headsetNagsusumigaw na violet headset. Hahahahahaha! Sa susunod wala ng mang-iistorbo kapag naglalakad ako ng mag-isa sa mall.

 

Teka, di pala ko nakabili ng tanghalian!!!

My Husband’s Lover

kinuha sa google ang litrato.

 

Linggo, nagfile ako ng leave para sumama kela mommy at daddy papuntang Pacita, Laguna. Bakit? Kasi malapit na kaming lumipat dun. Ayun na nga. Dumaan muna kami ng Generics Pharmacy sa medyo entrance gate ng San Pedro, Laguna. Yung may dalawang rooster na may iklog sa pwet. Weird statues.

Si mommy na lang ang bumaba para bumili ng mga gamot ni daddy sa highblood. Habang bumibili na si mommy sa counter, bumaba ako para puntahan sya, kasi nga ang init sa loob ng sasakyan, pinatay ni daddy ang aircon para tipid gas. Paglapit ko sa counter… Kinausap si mommy ng kahero. Si boy. Bakit boy? Di ko alam pangalan e.

Boy: Ma’am, taga dito po kayo?

Mommy: Huh? Hindi..

Boy: San po kayo pupunta?

Mommy: Ah… Dyan lang…

 

End of conversation. Di friendly si mommy sa strangers.

Pagbalik sa sasakyan…

Mommy: Nagulat ako bigla ako kinausap, tinanong ako kung san pa ko pupunta, yun pala nasa likod ko na si Jason.

Ako: Ha? Bakit?

Mommy: Nung dumating ka sa likod ko, bigla nya ko kinausap., Type ka ata  nun.

Ako: Nge! Baka nakikipagkaibigan lang sayo. HAHAHAHA

 

Si Boy ay Girl pala…

Tawanan kaming tatlo nila mommy at daddy.

 

 

 

 

Fresh Lumpia and Marlboro Green

 

  • You:‎ Hi there
  • Me:‎ hello
  • Me:‎ ;)
  • You:‎ Musta
  • Me:‎ eto mtaba
  • Me:‎ hahahahahaa
  • Me:‎ ikaw
  • Me:‎ kmusta naman
  • You:‎ Kala ko nag eexcercise ka na
  • You:‎ Haha
  • You:‎ Eto bahay lng. Masama pakiramdam
  • Me:‎ nge baket masama.
  • Me:‎ di ako makaexercise
  • Me:‎ ang daming kainan ah
  • Me:‎ hahha
  • You:‎ Nilalagnat ako kagabi gang kanina
  • You:‎ Ok lng kumain basta bawiin sa exercise
  • You:‎ Haha
  • Me:‎ hahahaha
  • Me:‎ uminom ka ng dalawang biogesic or bioflu
  • Me:‎ tapos sprite
  • Me:‎ effective yun
  • You:‎ Bkit sprite??
  • You:‎ Haha
  • Me:‎ kasi ganto yun.
  • Me:‎ yung flow ng gamot sa katawan kapag nadillute na ng tubig,
  • Me:‎ matagal bago makarating sa ibang areas ng katawan.
  • Me:‎ so mahihirapan ang mga components ng bioflu to take over the bad bacteria that are causing the fever.
  • Me:‎ moreover,
  • Me:‎ kapag sprite ang ginamit
  • Me:‎ may certain aspects ang acidity level ng carbonated drink para masmadaling ma push ang mga gamot na tinatake lalo na in terms of tablets or capsules.
  • Me:‎ mas madaling kakalat sa katawan
  • You:‎ :)
  • You:‎ May point ka
  • Me:‎ hahahahah
  • Me:‎ kala ko sasabihin mo -wehhhhh
  • Me:‎ =))
  • Me:‎ pero totoo yan pramis
  • Me:‎ hahaha
  • You:‎ Hahaha

Madalas pag inaantok ako, kung ano ano pinagsasasabi ko sa mga kausap ko. Pinatulan naman. Haha! Pero based on experience naman talaga, effective ang paglaklak ng dalawang gamot plus bote ng sprite.

Yung mga terms lang ang ewan ko kung san ko nakuha. Haha!