Circus

image

Ehem… Natuloy nga pala yung pagmomodel ko para sa classified job fair. Ako yung nasa second from the left. Call Center Agent daw ako dyan.

Walang naniniwala. Ok.

Pero putangina teka lang. Yung mga forms na nafill-up-an ng mga job seekers….

Isa ko sa mga nag eencode ngayon para sa database keeping.

Model ka na nga… Encoder ka pa…

May talent fee ba? Exposure daw… At saka 2pcs. Chicken joy sa jollib. Hahahahaha

image

image

image

Ang dami dami dami. Tangena naman di naman kasama sa job description ko yung pagiging encoder.

Papatype ko to sa Recto pag nabwisit ako.

Ayokong lagyan ng tags to baka may makabasa na taga office.

Grrrrr.

Advertisements

Live While We’re Young

Overtime. 9PM ang uwian.

On my way home, bumili ako ng dalawang siopao sa Kowloon. Pasalubong o SUHOL kela mommy at daddy dahil sa di ko pag-uwi ng bahay. Bakit? Eh basta. Medyo gumimik.

Eh biglang nagtext si officemate. Daan daw ako sa kanila.

Sabi ko… Ok.

Nagulat ako pagdating ko. Kasi naman… Maingay, may tugtugan, at may inuman.

Sabi ko sa isip ko… WTF

Edi inintroduce na ko ni officemate sa dalawa nyang tropa. Di ko na nga matandaan mga pangalan nila kasi naman hula ko talaga nalasing ako. So ayun nga. Medyo ok naman sila kainuman. Mga kuya ko na daw silang tatlo. Sabi ko ayoko. Mga bad influence kayo. LOL

Redhorse yung iniinom namen, nasa pitsel, tapos may mga chichirya.

Edi ayun nga kwentuhan, tawanan, inuman, yung isa nga pala medyo may appendicitis daw kaya tubig lang iniinom. WTF. Haha!

Hanggang sa tumayo na ko. Pumunta sa kubeta at 3.2.1…

Instant bestfriend ko na yung toilet bowl.

Halos maiyak-iyak ako sa pagsuka. Di ko masyadong nabilang kung ilang beses akong sumuka, pero hula ko mga five.

Iniintay namin yung huling bisita, mother hen tawag nila. And yes kilala ko na sya, kasi naka date ko na sya one time, last year. And di maganda ang kinalabasan pramis. Kwekwento ko na lang sa susunod.

Sabi naman nung isang kuya, na why dont i give it another try.

Sabi ko naman, baka na turn off na sakin yun dahil sa nakakahiyang ginawa ko nun.

Sabi nya wag daw ako mag-alala at wag magpaintimidate kay mother hen.

Oo. chubby si mother hen, at yun ang gusto ko talaga.

 

Di ako lasing pero may putanginang selfie ako sa celphone ko paggising ko. Kadiri tangina.

At may mga namessage ako sa wechat na di ko alam kung naaway ko ba o nabalahura. Im so sorry sa inyo.

 

wechat

 

wechat2

 

 

 

 

wechat3

WTF di ko maalala tong mga conversation na to. Haha! Again, sorry. Haha!!!

 

The Scientist

Have you ever been so lonely stressed that youve been able to come up a drinking session with buddies youve just known. At nag eenglish pa na pilit na pilit naman haha.

Kidding aside, ayun nga perstaym ko magset ng inuman. Kasi nga stressed out ako. Wala ng iba pang reason.

Eto mga kasama ko. Lab ko tong mga to ang sarap nila kausap sa inuman. Para kaming mga sira ulo na mga wasted.

image

Screenshot talaga e no. Wala kong maayos na kopya ng picture e. May red eyes.

Next time daw to the next level na ang inuman.

Ibig sabihin ba eh makakalampas na ko sa limang bote sa inuman? More company? New venue???

Abangan ko na lang. Malapit na e.

What time is it? Adventure time!

Late Ako ng 1 Minute

 

 

 

 

ariel

 

 

Madalas may magpagawa sakin ng mga personal na laptop, tablet, cellphone, etc sakin dito sa office. Di ako naniningil kasi, di ko naman ugali yun, pero kung sinusuwerte, may mga nagbibigay naman kahit papaano. Merong mcdo, monay, cheesecake, prutas, keychain, at cash. Tinanggihan ko nga yung cash pero sabi nung nagpaayos, sasapakin nya daw ako pag di ko tinanggap.

Pinakagusto ko sa mga natanggap ko eh yung bag na Bench. Inayos ko kasi yung laptop na Samsung nung taga Second Floor. Nagulat na lang ako may iniabot sakin yung guard na paper bag.

Eto, yung latest kong kliyente, Tignan ang litrato sa itaas…

Sabi ko na nga, pwede na ko magtayo ng stall sa greenhills o sa may cyberzone.

 

 

 

Kay Tagal Kang Hinintay

Happy fathers day

Di ko na hahabaan yung father’s day post kasi baka magselos si mommy, di ko sya nagawan ng post. Anyway…

Kahapon pala yung fun run sa may Ortigas. Petron Run for Safety. 10k ang layo ng tatakbuhin. Takte dalawang fly over ang tinakbuhan back and forth. Kaya hanggang ngayon pilay ako.

Wala pang mga pictures, di pa nabibigay saken, hahanap na lang ako kung sino magpopost sa FB. May mga photographers kasi dun na nagkukuha ng random pics ng mga runners sana meron ako.

Eto na lang muna yung laman ng lootbag…

lootbag

Karamihan sa laman eh mga brochure ng mga loan, promo, ewan ewan galing sa bank of commerce. Mas gusto ko pa din lootbag nung sa Natgeo. Haha!

Next run… Addidas King of the Road! Oh yeah!

 

Eto pala ang picture ko sa FUNRUN. OHA di ko kilala sino photographer neto, nagrab lang ng officemate ko sa fb.

petron

Briefing sa Conference Room

Jason, sandali lang to…

Sabi sakin ng boss sa branding department ng office. Tumayo naman ako habang nanonood ng Gintama anime sa pc ko. Papasok ko sa department nila..

Jason kinuha ka pala naming model para sa job fair ng Manila Bulletin. Yung sa mga poster.

Teka… Totoo ba tong narinig ko. Baka naman para sa Animal Scene o Agriculture magazine. LOLS.

 

Pero pinakita saken may naka powerpoint presentation na, meron ng mga written data etc…

Kinunan ako ng picture. Whole body pati face.

Di ako kumportable syempre. Parang, ano ba to. haha!

OK. Totoo nga. Nahihiya talaga ko sa totoo lang kasi dami dami naman pwede sa office baket ako.

Call Center agent daw yung role ko sa mga poster.

Fastforward ng onte…

Mommy, mommy, kukunin daw ako model para sa job fair poster.

Eh baket ngayon ka lang kinuha diba 4 years ka na dyan.

(Very supportive si mommy)

 

Yung photo shoot daw ay sa Thursday morning, at ang Video shoot (oo meron video shoot yung parang sa movie trailers lang) sa afternoon.

GOODLUCK TO ME!

Sabi ko na eh Akin ang Month Of June.

 

Bata, Bata, Paano Ka Ginawa?

It was late 12:00 A.M. Takte maka english lang…

Nagset ako ng alarm sa celpon ko ng 4:30 A.M. Sabi ko pa, mommy, tatakbo ako bukas ah, magjojogging.

Sabi naman nya: Ang lakas ng ulan tatakbo ka? Madadapa ka.

Ako: Huh?

Inabot ko kay mommy ang celpon ko at naglaro sya ng candy crush kasi naka charge yung sa kanya.

Okay fast forward ng konte…

It was late 7:00 A.M. Shet talaga. Anong oras na. Tatakbo nga pala ko. Baket di nag-alarm?

 

1. Dinelete niĀ  mommy ang alarm

2. Nireject ni mommy ang tumatawag sa celpon ko na mga kasama ko magjojogging

3. Naingayan si mommy sa celpon kaya pinindot para tumigil.

 

Syempre ayaw kong pagbintangan si mommy. Hahahahahahaha

Malas nga ngayong araw, nakarating ako sa office ng walang wallet.

Ang tanging dala ko lang sa bag ko ay…

 

20130609_091552[1]