Do The Hustle

Bukod sa pag-aaliw ng sarili… Madalas akong naglalaro ng xbox pag wala kong magawa.

Kapag wala na kong oras mag-exercise sinasalang ko yung dance central para magsasayaw kahit ansagwa ko sumayaw. Nakakapawis eh.

Sabi ni mommy at daddy sila naman daw. Eh di pinasayaw ko sila. Ako lang may hawak ng controller kasi di sila marunong magselect ng song at magnavigate ng xbox. Sa sofa lang ako. Sila sa dance floor.

May option yung game na pwedeng ipost sa fb yung finale pose. Sabi nila mommy at daddy wag daw kasi nakakahiya.

Sabi ko bat naman nakakahiya. Di naman sila naka bold. HAHA

Edi pinicturean ko na lang sila.
PALAG? Joke lang lab ko sila eh.

image

Eto pa.

image

Advertisements