Scary Pie Picache

I.

Somewhere last year, merong di magandang nangyari saken sa bahay. Medyo weird na nakakatakot na shit. Sa sala ko natulog kase nga medyo matagal magpatay ng laptop at ilaw yung mga kapatid ko sa kwarto. Eh maaga pasok ko so kelangan makatulog ako ng mapayapa.

Di ako nagpapatay ng ilaw. Ewan ko sino nagpatay. Nagising ako, di ako makagalaw, mahirap huminga. Nakadilat naman ako. Naisip ko shet, bangungot to. Pero worse ampota, pagdilat ko kase may nakita kong tao sa tabi ko, nakatayo, at kulay itim. Putangina.

Sumigaw ako, kase di pa nga ko makagalaw. Tinawag ko kapatid ko, pero wala. Walang rescue na dumating. Nagdial 911 na lang sana ko buset. Finally nakatayo na ko, wala na rin yung itim na engkanto o alien. Pagpunta ko sa kwarto ng mga kapatid ko, gising pa sila, nakaheadset, nagdodota yata.

Mga walang silbi!

Joke! Sabi ko lang – Tinatawag kita eh… Pero tinignan lang ako ng kapatid ko, sabay tingin ulet sa laptap nya na parang wala lang. Parang nasa isip nya –  the fuck kuya, nung problema mo?

Kinuha ko yung manipis na kama sa itaas ng double deck at naglatag ako sa kwarto nila mommy.

Sabi ni mommy oh baket?

Sabi ko may nakita po kasi ako eh.

Sabi ni mommy kung ano ano kasi pinapanood mo tinatakot mo sarili mo.

Sabi ko may nakita po talaga ko.

Sabay nakatulog na ko.

II.

The fucking next night… Mag-isa na naman ako natulog, pero this time nasa kwarto na ko. Yung kapatid ko wala, nag-overnight sa mga kaofficemate nya. Solo ko yung malaking kama. Wala naman sa isip-isip ko na babangungutin na naman ako.

Eto nga. Nagising ako! Di na naman ako makagalaw. Di ako dumidilat, baka nandyan na naman yung taong itim na nakakatakot. Pero dumilat pa din ako. Hay… Wala akong nakita.

Pero putangina! May bumubulong sa tenga ko. Di ko maintindihan pero parang malalim yung boses na parang galing sa hukay na di maintindihan.

Takbo ulet ako na may dalang manipis na kama papuntang kwarto nila mommy.

Sabi ni mommy oh ano na naman

Sabi ko wala po dito po ko matutulog ulet.

Sabi ni mommy may nakita ka na naman no?

Sabi ko wala po kong nakita. goodnight.

 

III.

Kagabi naman, medyo punuan sa bahay kasi samen din nakitulog yung tito, lolo, at lola ko. Wala akong tutulugan kundi sa sala. Pwede naman maglatag ako ulet kela mommy at daddy pero di na kaya ako beybi. haha! May pwesto naman sa sala. Di ko pinatay ang ilaw. Natulog ako. Maya-maya, lumabas yung asawa ng kuya ko sa kwarto nila na katapat lang ng sala.

Sabi ng hipag ko Hindi mo makikita tong baby na to (habang hinihimas yung buntis nyang tyan)

Nagising ako panaginip lang pala. Nagising ako pero di na naman ako makagalaw. Natakot ako sa sinabi ng hipag ko. Ano ba ibig sabihin nun? Na di ko makikita yung baby?

It’s either yung baby or ako yung madeded?

KNOCK ON WOOD taena naman.