My Husband’s Lover

kinuha sa google ang litrato.

 

Linggo, nagfile ako ng leave para sumama kela mommy at daddy papuntang Pacita, Laguna. Bakit? Kasi malapit na kaming lumipat dun. Ayun na nga. Dumaan muna kami ng Generics Pharmacy sa medyo entrance gate ng San Pedro, Laguna. Yung may dalawang rooster na may iklog sa pwet. Weird statues.

Si mommy na lang ang bumaba para bumili ng mga gamot ni daddy sa highblood. Habang bumibili na si mommy sa counter, bumaba ako para puntahan sya, kasi nga ang init sa loob ng sasakyan, pinatay ni daddy ang aircon para tipid gas. Paglapit ko sa counter… Kinausap si mommy ng kahero. Si boy. Bakit boy? Di ko alam pangalan e.

Boy: Ma’am, taga dito po kayo?

Mommy: Huh? Hindi..

Boy: San po kayo pupunta?

Mommy: Ah… Dyan lang…

 

End of conversation. Di friendly si mommy sa strangers.

Pagbalik sa sasakyan…

Mommy: Nagulat ako bigla ako kinausap, tinanong ako kung san pa ko pupunta, yun pala nasa likod ko na si Jason.

Ako: Ha? Bakit?

Mommy: Nung dumating ka sa likod ko, bigla nya ko kinausap., Type ka ata  nun.

Ako: Nge! Baka nakikipagkaibigan lang sayo. HAHAHAHA

 

Si Boy ay Girl pala…

Tawanan kaming tatlo nila mommy at daddy.

 

 

 

 

Advertisements