Juan Dela Cruz Sabi nung Bata

Inimbitahan ko manood ng movie si Ms. OJT. Kaso di sya pwede for some valid reasons. Oo. Valid talaga. Para di masakit sakin. Just kidding. Ok lang talaga.

Pagkatapos kong maglungkut-lungkutan, napagdesisyunan kong matulog ng maaga. Mga 11:00 P.M. Anyway. Okey din na natulog ako ng maaga kasi may dentista ako ng 9:00A.M. sa may Ayala.

Edi ayun fast-forward ng konte, pagkatapos kong magpadentista, naglakad na ko hanggang Glorietta 4. Ngayon ko lang nakabisado yung Greenbelt, Landmark, SM, at Glorietta. Kelangan pala wala akong kasama para makamemorize ng lugar. Wala kasi akong aasahan na magguide ng mga lugar-lugar.

Maaga kong nakarating sa Sinehan ng Glorietta 4, at kung bakit doon ako unang dumeretso, kasi naman may dalawang libreng passes ako from Manila Bulletin, Monitoring Passes.

Hindi kasi nagamit nila mommy at daddy kaya ako na lang daw gumamit (regalo ko kaya sa kanila yun kasi lagi akong pasaway.)

Nicheck ko ang schedules sa malalaking monitor.

Eh… Nakapatay sila lahat.

Nicheck ko sa Sureseats website sa aking celphone (Wow Mobile Internet!)

Eh… 12:45 P.M. ang pinaka unang showing. Anong oras pa lang??? 10:30 A.M.

NAGTIME ZONE AKO.

Tapos nung medyo open na yung bilihan ng tiket….

image
EPIC!!!

Tapos ko bumili ng ticket… Shet ang lungkot pala talaga gumala ng mag-isa! Anyway kumain ako sa KIM & CHI. Pagkatapos kong umorder ay ito ang ibinigay saken…

image
Yayanig sya pag ok na yung order mo.

Eto nga pala yung Sausage Omu Rice Omelette.

image
Yummy!

Bumalik ako sa Time Zone dahil wala pa din 12:45 P.M.

Nung mga 12:30 P.M. na, pumasok na ko sa sinehan. Takte puro bata ang mga nanonood ng EPIC. Haha! Punuan din naman kahit papaano.

Maganda ang movie. Sa mga nagsasabi na pangit ang movie… Ewan ko sa inyo. Haha! Basta sobrang nagenjoy ako sa movie. Ang di ko lang maintindihan, Muntik na ko maiyak sa movie, kung wala lang tao… Napatulo na talaga luha ko. Nakakahiya talaga sa mga bata.

Pagkatapos ko manood, nagcheck ako ng movie schedule. Isang oras pa ang hihintayin ko para sa next movie. The fast and the furious 6. Bakit manonood pa ako?

KASI DALAWA NGA YUNG MOVIE PASSES KO.

Eh bakit nga?

KASI MAY 31 ANG EXPIRATION, AT NGAYON LANG ANG DAY OFF KO.

Umuwi na lang ako.

 

Advertisements

3 thoughts on “Juan Dela Cruz Sabi nung Bata

Ano? May sasabihin ka? Dali!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s