Babe in the City, Not the Movie

What’s up.  It’s been ages since i feel like a loving teenager. LOL Maka-english. Alam na. Medyo inlab. Medyo puppy love. Yuck. PBB Teens.

May mga OJT kase sa Marketing department. Puro babae. Tuwing dumadaan ako meron mag gogoodmorning Sir! Hi Sir! Medyo late ko lang nalaman na… Yung isa pala ay crush daw ako. Ihhhh Lande..

But wait! There’s more! Yung may crush sa akin ay ang pinaka type ko sa kanila. Walang halong bola ng pingpong. Medyo maputi sya, makinis ang balat, and…. wait for it… malusog. Oo. Ako na. Ako na ang may hilig sa HINDI sexy. Basta. Ihhh… Lande talaga…

Dahil nga sa kilala ako sa pagiging torpe… Yung mga kasamahan nya pa ang makukulit at talagang kilig-kiligan kapag pinapansin ko silang lahat. Yabang ko takte ayoko maging feeling! Bad yun! Minus pogi points. Pero andyan na, ano pa bang gagawin ko edi…

KINUHA KO NUMBER NYA NG HARAP-HARAPAN. Nararamdaman ko talaga pulam-pula na ko parang Watermelon, at yung babae naman, kulay tocino. Ang sweet diba.

Edi magkatext na kami ngayon…

Bigla na lang nagstop…

Nagstop akong magtext…

Kasi tong putanginang SUN CELLULAR na to, dinisconnect ang line ko. Di pa daw ako nagbabayad. Tinawagan ko kagad si mommy.

MOMMY! Bakit disabled po yung outgoing messaging and calls ko. (Parang tuta na nagmamakaawa) Pano po to…

Ayun babayaran nya daw kaagad pero sabi nya June 2 pa daw ang due ng bill so bakit daw pinutol. Dalawa na kaming galit sa SUN CELLULAR. Shit.

Going back to the story… Paglabas ko ng department. Sabi nung mga ojt…

Sir! Bakit di na daw kayo nagrereply! Hinihintay po ni ano yung text nyo…

Di na ko nagsinungaling pa. Pinaliwanag ko na naputulan ako ng linya. Wapakels kung ma turn off.  Binawian ko na lang ng…

“WE CHAT” Na lang muna tayo ah…

I died. She died. They died.

KILIG.

Ihhhhhh…

Advertisements

Ano? May sasabihin ka? Dali!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s