Ginulat ko yung Umiiyak na Baby

Nagsabi si Vajarl na bibili sya ng Orange na pants sa Megamall. Nagkataon naman na Sabado, medyo wala namang lakad pagkatapos ng office, sama na lang ako. Balak ko din bumili ng pantalon. Medyo sawa na kasi ako sa mga kurduroy ko na kulay black at brown.

Nilibot namin yung iba’t ibang store para magcanvass. Budget ko dapat P300.00, pero sabi ni Vajarl- “Anong mabibili mo sa 300? Pekpek Shorts?”

Syempre joke lang yung P300.00. Mga above P500.00 naman siguro…

Onga pala, inimbita din namin sina Ax at Mar kaso may mga pasok sila, conflict sa oras. Si Mar naman, nakalimutan nyang ininvite sya kaya umuwi ng bahay. Memory gap. Haha!

Tumingin ako ng pants sa Penshoppe dahil kala ko magmumukha akong isa sa mga members ng One Direction. Pero nevermind. Humanap pa ko ng iba hanggang sa nakita ko to sa Baleno…

 

balenoPanis sa kulay. Maroon. UP / PUP lang. P700.00

Yan yung napili ko sa dalawang sinukat ko. Yung isa nga yung Penshoppe na kulay green. Kaso di talaga ko marunong magterno-terno ng kulay kaya next time na lang. Mukhang mahihirapan talaga ko dun.

Onga pala, nakakita rin ako ng pabango sa Penshoppe. Buy one take one, kaya yung isa ireregalo ko na lang sa kapatid ko. Mabango naman, pwede ng ipaamoy sa mga nakakasalubong sa kalsada. LOL

perfumeNung una kala ko pabangong pahid-pahid sa leeg yung nabili ko. Spray naman pala.

At ang pinakamasarap at nagpaligaya sakin ay ang Mocchi Ice Cream. Bubblegum flavor. Ang sarap-sarap-sarap-sarap-sarap, sa bawat kagat mapapa—yummy ka!

DSC_0021P38.00 lang, kumpara sa ibang stall na umaabot ng P80.00 isang piraso. Nakalimutan ko pangalan…

Dahil sa mga pinaggagastos ko, naalala ko may dentista nga pala ko sa Miyerkules. Wala na kong ibabayad. Haha! Next month na lang! Di naman siguro magkakandasira-sira mga ipen ko kung madelay ng 1 week yung pagbisita ko sa dentista.

Pagbalik ko sa Megamall, o kaya sa Shangrila naman, bibili naman ako ng mga pang-itaas: shirt, Long-Islibs, Sando na pang-alis (kelangan ko na magbuhat…) etc.

Ayun.

Advertisements

Ano? May sasabihin ka? Dali!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s