Basa ang Upuan sa Taxi

Alarm! Alarm! Alarm! 4:30 A.M. Alarm!

Bangon, ligo, bihis…

Suot ng Phil Health singlet, shorts na pangtakbo, etc… Ready na magjogging!

Pagdating sa U.P. stretching muna syempre para di manakit ang mga maskels sa pagtakbo. Focus sa binti at sa paa. Dun kasi madalas sumakit, siguro dahil sa body weight…

Nakatakbo naman ako ng isang buong ikot… Pagkatapos may naramdaman akong kakaiba.. parang… parang… Aray!!!

Natatae na pala ko. Dahil to sa sobrang daming pagkain nung gabi, birthday ng kapatid ko. Nagtanong ako sa vendor kung san pwedeng tumae. TInuro nya yung building na katapat. Di ko alam pangalan ng building kasi di ko na napansin. Taeng-tae na talaga ko. Sorry sa term pero masgusto ko yang term na yan kesa sa dumi. Napaka-peke.

Pagpasok ko, may guard naman, tinuro nya kung saan C.R. Deretso daw tapos kanan. Ganoon pala itsura ng mga building sa U.P. pag umaga. Madilim yung mga corridor. Parang horror film. Medyo matagal bago ko nahanap yung C.R.

May tabo naman, edi sumalok na ko ng tubig sa gripo. Di ako talaga tumitingin sa salamin. Pagpasok ko ng cubicle… shit walang lock yung pinto. Eh wala nga naman tao pala… Pero pano kung may multo o zombie. Edi nakain kagad ako. Di rin ako tumitingin sa paanan ko kasi baka bigla akong may makitang dalawang paa na nakatayo sa harapan ng pintuan.

Nairaos ko naman. Masgrabe ang pawis ko nun kesa sa pagtakbo.

Moving on…

Tumakbo pa ko ng ilang kilomentro… Tapos naglakad-lakad na lang… Ginagawa nga pala yung kalsada kaya medyo baku-bako. Habang naglalakad ako… BLAG!

Plakda. Dive. Subsob. Nakakahiya talaga.

Silence…

Pagbangon ko. Ang hapdi ng mga tuhod ko. May sugat akong nakita sa palad ko, kasi pinangtukod ko.

Naglakad ako ng nakasingkit ang mga mata dahil sa sakit ng mga gasgas sa tuhod ko. Akala ko pag nagalusan lang eh parang kagat lang ng langgam. Putek habang humahangin ng malakas, napapa aray ako eh.

sugat

Advertisements

Ano? May sasabihin ka? Dali!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s