Jaguar ang WiFi sa Bahay

Sabi nila, kapag mahilig ka daw tumakbo, may mga problema ka daw na gustong takasan.

Sabi ko naman, di ko naman “sila” kilala bakit ako maniniwala sa sabi-sabi nila.

Kung ang tao, nagmula sa unggoy, syempre may history din kung bakit nagsimula akong tumakbo.

Eto ang buong pangyayari. May palista sa office, parang paliga (league sa english) lang sa baranggay. Ililista kung sino ang gustong sumali sa Fun Run na organized by Phil Health. Nagkataon na Day off ni dudung, nagulat na lang ako tinext ako ng officemate ko na nailista na ko. Edi yun na nga. The End.

Hindi ko na ikukuwento yung buong detalye ng pakikipag-away sa akin ng taga-Personel kasi mahaba at saka maselan. “Pakikipag-away sa AKIN” – Ako lang talaga inaway nya dahil di ako pumalag kasi di sya kapatol-patol.

Back to the game…

Ang una kong FUN RUN ay 3K o tatlong kilometro ang layo. PHIL HEALTH RUN ata pangalan, basta. Sa Quirino Grandstand sa may Luneta ang venue.

Dahil nga first time, masakit. Masakit talaga sa paa. Lalo na hindi ako nag-warm up. Ang kukulit lang nung ibang mga tumatakbo. Dahil nga libre ang registration para sa 3K, yung iba picture lang ng picture.

Akala ko basta takbuhan lang ang pagsali sa funrun na parang ICE-ICE-WATER o Langit-Lupa-Impyeno. Natapos ko naman, pero ‘di ko alam kung gaano ko katagal natapos.

PhilHealthYabang may certificate!

Ang ikalawa kong FUN RUN ay 5K o limang kilometro ang layo. RUN RIO RUN UNITED. Eto medyo malayo ng kaunti yung venue, sa MOA. Hindi nakarating yung officemate ko kaya mag-isa lang ako tumakbo dito.

Natapos ko naman, umabot ako ng 40 minutes. Yata. Di ako sigurado, pagod ako nun.

Walang mga pictures kasi nga wala akong kasama.

Ang ikatlo kong FUN RUN ay 21K o  putanginang dalawampu’t isang kilometro. NATIONAL GEOGRAPHIC RUN Sa Bonifacio Global City ng TAGUIG (Ang layo-layo-layo)

Ang tigas ng mukha. 3k, 5k, tapos 21k? Eh ano ba naman magagawa ko, may nagpalista na ng pangalan ko. Sayang naman kung aayaw ako. Challenge din kaya yun. Mga challenges nga ni God nakakaya ko, eto pa kaya? Si Jinky Oda nga maitim, ngayon maputi na. 21K run pa kaya?

Inabot lang naman ako ng 3 hours para mairaos ang putanginang 21K run.

finisher3Eto ang winning pose ng isang batang nakatapos ng 21K.

Ang bangis! Ang angas! More! More!!! Dahil natapos ko ang 21K, nagparegister na ko sa susunod na FUN RUN. Ang RUN RIO Run United 2 na gaganapin ulit sa MOA…

10K ang niregister ko. Palag? Di ko pa talaga kaya yung 21K eh…

So, ayun nga… Bakit nga ba talaga ko tumatakbo? Nagpapapayat? Nagpapa-maskels (muscles)? Bonus na lang yang mga yan “kung” may epek (SANA!)

Pero tumatakbo talaga ko kasi gusto kong magkaroon ng outdoor activity. Hindi yung puro computer lang ako ng computer. IT staff na nga ako tapos pag-uwi ko ng bahay laptop pa ko ng laptop. Iba din kasi feeling nung tumatakbo. Basta, di ko ma-explain. May something.

Advertisements

Ano? May sasabihin ka? Dali!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s